Barko ng Philippine Navy na ginawang floating hospital, patuloy na nagbibigay ng medial assistance sa mga lugar na sinalanta ng Bagyong Odette

Walang tigil ang medical assistance ng Philippine Navy para sa mga sinalanta ng Bagyong Odette kahit pa araw ng Pasko.

Ayon kay Naval Public Affairs Office Director Commander Benjo Nagranza, gamit pa na rin nila ang BRP Pangulo na ginawang floating hospital para magbigay ng tulong medikal sa mga lubhang sinalanta ng Bagyong Odette.

Sa ngayon aniya nagsisilbi ang floating hospital sa mga residente ng Siargao na kailangan ng medical attention matapos na masalanta ng bagyo.


Sakay ng BRP Pangulo ang Navy and Eastern Mindanao Command composite medical team.

Sila ay partikular tumututok sa kalusugan ng mg residente sa Siargao partikular mga mangingisda sa iba’t ibang barangay.

Sa ngayon, may 36 na indibidwal na sa lugar ang nabigyan ng libreng medical consultations, medicines and supplements.

Facebook Comments