Manila, Philippines – Kasabay ng ika-70 taong anibersaryong Philippine Red Cross (PRC), isang 195-foot military prototype vessel angila-launch nito sa May 8.
Sa isang ambush interview, sinabi ni PRC Chairman RichardGordon na pangungunahan mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte ang launching ngbarko na una nang dumaong sa Subic bay Freeport zone sa Olongapo City noong December 2, 2015.
Aniya, ang nasabing barko ay malaking tulong lalo na sapanahon ng kalamidad.
Pwede itong mag silbing relief supply transport ship ng PRC,hospital ship, medical facility deployment ship, sea rescue and mass evacuationvessel, humanitarian logistic ship, mobile operations command post athumanitarian education and training ship.
Bukod dito, ipinagmalaki rin ni Gordon ang mga bahay,paaralan, trabaho at clinics na nagawa ng prc para sa mga biktima noon ng Yolanda.
Barko ng Philippine Red Cross – nakatakdang i-launch kasabay ng ika-70 taong anibersaryo nito
Facebook Comments