Barko ng Pilipinas, inakusahan ng trespassing ng China

Kinondena ng China ang anila’y iligal na pagpasok ng barko ng Pilipinas sa kanilang inaangkin na territorial waters malapit sa Ren’ai Jiao.

Sa statement ng Chinese Embassy sa Pilipinas, tinukoy nito ang anila’y dalawang maliit na cargo ships at tatlong barko ng Philippine Coast Guard (PCG) na iligal daw na pumasok sa nasabing karagatan.

Ayon pa sa Tsina, ito raw ay paglabag sa kanilang soberenya at sa Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea.


Umapela rin sa Pilipinas ang China na iwasan na anila ang mga katulad na paglabag.

Tiniyak din ng Tsina na ipagpapatuloy nila ang pagbabantay sa kanilang mga teritoryo at ang pagprotekta sa kanilang soberenya.

 

Facebook Comments