Magkakaroon ng hiwalay na bilateral sail ang Barko ng Republika ng Pilipinas (BRP) Ramon Alcaraz o ang PS16 na barko ng Pilipinas sa pagitan ng barko ng French Navy.
Ayon kay AFP Public Affairs Office Chief, Col. Xerxes Trinidad, hindi na ito parte ng Balikatan Exercise 2024.
Paliwanag ni Trinidad ito ay pagkatapos ng magaganap na Multilateral Maritime Exercise na bahagi ng Balikatan exercise kasama ang BRP Davao del Sur, barko ng US na USS Harpers Ferry at French Frigate Vendemiaire mula April 25 hanggang April 30.
Magaganap ang nasabing Bilateral sail mula April 30 hanggang May 3 sa loob ng Exclusive Economic Zone ng bansa.
Layon ng pagsasanay na magkaroon ng kolaborasyon at pagpapalakas ng interoperability sa pagitan ng magkaalyadong bansa.
Facebook Comments