Barko, sumadsad sa Iloilo river – PCG

Iloilo – Minomonitor ngayon ng Philippine Coast Guard (PCG) ang MV SF Unity of Seaford Shipping na sumadsad dalawampung metro ang layo sa Parola Wharf kanina.

Ayon kay Philppine Coast Guard Spokesman Captain Arman Balilo, wala namang laman ang cargo vessel na palabas na sa Iloilo River nang sumadsad, low tide aniya nang mangyari ang insidente.

Ayon kay Balilo, walang palatandaan ng oil spill o pagtagas ng langis, ngunit mahigpit na binabantayan ng Coast Guard Station Iloilo, Marine Environmental Protection Unit MEPU at mga diver ang sitwasyon.


Binabantayan aniya ang posibleng diesel fuel leak sakaling nasira ang tangke na may lamang bunker fuel.

Inaasahang makauusad ang barko sa sandaling magkaroon na ng high tide.

Facebook Comments