Barkong donasyon ng Philippine Red Cross, itinuturing ng PCG na critical asset

Malaking tulong sa Philippine Coast Guard ang ibinigay ng Philippine Red Cross na 55-meter vessel.

Ayon kay Coast Guard Commandant Admiral Ronnie Gil Gavan, itinituring nilang isang critical asset ang  MV Amazing Grace.

Partikular aniya sa paghahatid ng humanitarian missions ang vessel, lalo na sa mga malalayong mga lugar o sa mga coastal communities.


Tiniyak din ng PCG Chief na gagamitin nila ang nasabing barko para maabot ang mga residente ng Pagasa Island.

Magagamit din ng Philippine Coast Guard ang barko sa emergencies, mga kalamidad at sa pagtugon sa mga krisis pangkalusugan.

Facebook Comments