Barkong karga ang mga basura ng Canada, dadaong sa Taiwan ngayong araw

Inaasahang darating ngayong araw sa Taiwan ang barko na may kargang mga basura ng Canada.

Matatandaang nakaalis kahapon ng umaga ang M/V Bavaria lulan ang 69 na container na may lamang basura.

Ayon kay DENR Undersecretary Benny Antiporda – pagdating sa Kaoshung City sa Taiwan ay agad itong ililipat sa mother vessel ng mga container para maibiyahe pabalik ng Canada.


Tatagal aniya ng 21 araw ang biyahe ng barko bago makarating sa Vancouver, Canada kung saan ibababa ang mga basura.

Facebook Comments