Barkong nagpakawala ng wastewater sa Manila Bay, iniimbestigahan na

Iniimbestigahan na ng mga awtoridad ang pagpapakawala ng wastewater ng isang barko sa Manila Bay.

Ayon kay Manila Bay Coordinating Office Deputy Executive Director Jacob Meimban, nagkulay dilaw ang tubig sa ilang bahagi ng Manila Bay dulot ng tubig na inilabas ng barko.

Nagsagawa naman ng water sampling ngayong Linggo ang grupo upang matukoy kung saan gawa ang tubig na itinapon sa Manila Bay.


Ang nasabing pagpapakawala ng tubig ay labag sa Clean Water Act.

Pinayuhan naman ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) Undersecretary Jonas Leones ang mga barko na i-contain ang wastewater sa halip na pakawalan ito.

Habang mayroon din dapat silang authority na magpalabas ng tubig at mayroon ding treatment facility sa loob ng barko.

Facebook Comments