Barkong nawawala sa karagatan sakop ng Occidental Mindoro, hindi pa rin matagpuan ng PCG

Hindi pa rin nakikita ng Philippine Coast Guard (PCG) ang isang cargo vessel na lumubog sa karagatan sakop ng Paluan Occidental Mindoro.

Ito’y noong kasagsagan ng Bagyong Kristine.

Ayon sa PCG, gumamit na sila ng mga mga chopper at eroplano para hanapin ang nawawalang MV Sta. Monica-A1 sa baybayin ng Taytay Palawan at buong probinsya ng Occidental Mindoro.


Bukod dito, may ginagawa na ring boat patrolling sa iba pang baybayin ng Occidental Mindoro para mahanap ang nasabing barko.

Hiningi na rin ng PCG ang tulong ng mga mangingisda na agad i-report sa kanila sakaling may mamataang barko.

Tiniyak naman ng PCG na mas lalo pa nilang paiigtingin ang paghahanap gamit ang aerial, seaborne, at shoreline patrolling para maghanap ang MV Sta. Monica-A1.

Ang naturang barko ay umalis sa Caspian Taytay Palawan noong October 22, ilang oras bago ang kasagsagan ng Bagyong Kristine kung sakay nito ang 10 tripulante kasama ang kapitan.

Facebook Comments