Barkong pandigma ng Japan, maglalayag sa Korean Peninsula

Japan – Maglalayag sa karagatang malapit sa Korean Peninsula ang pinakalamaking barkong pandigma ng Japan.

Ayon sa Japanese Maritime Self Defense Force, sasamahan ito ng tatlong aircraft carriers ng United States para magsagawa ng naval exercises sa darating na linggo.

Sinasabing ang pagpapakita ng pwersang ito ay isasagawa matapos ang pakikipagpulong ni US President Donald Trump sa mga world leaders sa Asia Pacific Economic Cooperation sa Vietnam.


Matatandaang mariing tinututulan ni Trump at iginigiit sa North Korea na itigil na nito ang kanilang nuclearization.

Facebook Comments