
Kinumpirma ng Korte Suprema na hindi matutuloy ngayong October 13 ang nakatakdang Bangsamoro Parliamentary Election.
Kaugnay ito ng nilabas ng Korte Suprema na Temporary Restraining Order (TRO) na nagsasabing hindi pa pwedeng gawin ang halalan hangga’t hindi pa nareresolba ang mga isyung nakapaloob sa kaso.
Ayon sa Korte Suprema, unconstitutional ang Bangsamoro Autonomous Act 77 (BAA 77) , ang batas na naglilipat ng pitong district seats sa parliamento na orihinal na nakalaan para sa Sulu.
Ayon din kay kay Supreme Court Spokesperson Atty. Camille Sue Mae Ting, labag din sa Konstitusyon ang Bangsamoro Autonomous Act 58.
Samantala, nagpahayag naman ng pangamba ang mga botante sa Mindanao sa epekto ng pagpapaliban ng nasabing halalan.
Facebook Comments









