BARMM Government , Nakiisa sa kampanya kontra Polio

Nakiisa sa kampanya kontra Polio ng Department of Health ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao Government.
Isinagawa ang unang araw ng “Sabayang Patak Kontra Polio Campaign” sa bayan ng Datu Piang sa Maguindanao.
Nanguna sa adbokasiya si BARMM Ministry on Health ASec Dr. Zul Qarneyn Abas kasama ang iba pang mga opisyales mula Department of Health Central Office. Present din sa aktibidad si IPHO Maguindanao Health Officer Dra. Elizabeth Samama.
Matatandaang nauna ng hinimok ni Interim Chief Minister Ahod Ebrahim, Alhaj ang lahat ng mga bangsamoro sa rehiyon na makiisa sa kampanya ng DOH.
Samantala, nauna na ring naglunsad ng War Against Polio sa Maguindanao si Governor Bai Mariam Sangki Mangudadatu, itoy matapos na maitala ang dalawang kaso ng Polio sa lalawigan.
Sa Cotabato City, target ngayon ng Office on Health Services na mabakunahan ang nasa humigit kumulang sa 37 na libong mga kabataan. Mismong si Cotabato City Mayor Atty. Cynthia Guiani ang nanguna sa pagbabakuna kanina sa Peoples Palace.
Bangsamoro Media Pic

Facebook Comments