BARMM, handang makipag-dayalogo sa mga teroristang grupo

Nakahandang makipag-dayalogo sa mga teroristang grupo sa Mindanao ang itatatag na Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARMM.

Sabi ni MILF Chairman Al Hadj Murad Ebrahim – na siya ring inaasahang tatayong chairman ng BARMM naniniwala siyang makakakuha sila ng suporta mula sa mga nasabing grupo para rito.

Batay aniya sa kanilang impormasyon, watak-watak na ang Abu Sayyaf Group (ASG) at ang Bangsamoro Islamic Freedom Fighter (BIFF) at mayroon ding paksyon mula rito na nagpahayag ng suporta sa Bangsamoro Organic Law (BOL).


Kumbinsido rin si Ebrahim na hindi kailangan na palaging puwersa ang ipang-tapat sa mga teroristang grupo sa Mindanao.

Mayroon aniyang tinatawag na “moderate” sa hanay ng mga bandido at may pag-asang mahikayat na magbalik loob ang mga ito sa gobyerno sa pamamagitan ng dayalogo.

Facebook Comments