BARMM, hindi muna kasama sa ikinakasang voter registration —Comelec

Hindi muna saklaw ng voter registration para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Ito ang nilinaw ng Commission on Elections (COMELEC) ngayong umarangkada na ang pagpaparehistro ng mga bagong botante para sa BSKE sa susunod na taon.

Ayon kay Comelec Chairman George Erwin Garcia, suspendido muna ang voter registration sa rehiyon dahil hinihintay pa ang batas na ipapasa ng Bangsamoro Government para sa BARMM Parliamentary Elections na hindi natuloy ngayong buwan.

Maaari din kasi aniyang magdulot ito ng kalituhan at akalain ng mga residente ng BARMM na awtomatiko silang makakaboto sa Parliamentary Elections kapag nagparehistro para sa BSKE.

Sa kabila nito, sinabi ni Garcia na bubuksan ang registration para sa BSKE sa BARMM sa darating na May 2026.

Itinakda naman ang halalan para sa Barangay at SK officials sa Nobyembre ng susunod na taon.

Facebook Comments