Ngayong buwan ng Agosto ay magsasagawa ng pay-out activities ang Ministry of Social Services ng BARMM para sa mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pililipino Program (4Ps).
Kaugnay nito, inatasan ni Local Government Minister Atty. Naguib Sinarimbo ang lahat ng provincial at municipal local chief executives na lumahok sa mga pagtitipon ng Provincial /Municipal Advisory Committee (PMAC).
Sa pamamagitan din ng memorandum order no. 025 na inisyu ni Minister Sinarimbo, inatasan nito ang LGUs na umasiste sa pay-outs sa pamamagitan ng pagtulong sa 4Ps /MSS employees sa mga kakailanganing logistical support tulad ng paglalaan ng espasyo para sa pay-outs.
Binigyang diin din sa memo na mahigpit na ipinagbabawal sa mga opisyales na maki-alam sa proseso ng payouts.
Simula sa araw na ito ng Huwebes, Aug 8 ay pasisimulan na ng Ministry o Social Services-BARMM ang kanilang pay-out activities para sa mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pililipino Program (4Ps).
Sa panayam ng DXMY kay Ministry of Social Services-BARMM Minister Atty. Raiza Jajurie, sinabi nito na magsisimula ang payouts sa lalawigan ng Lanao del Sur at ngayong araw ang mauuna ang bayan ng Malabang.
Ang lalawigan ng LDS ang uunahin dahil doon ang mas marami ang 4Ps beneficiaries kung saan 21 % sa kabuuang bilang ng mga benepisyaryo sa buong BARMM ay doon nagmumula.
Ayon kay Minister Jajurie na abot sa 400,000 ang bilang ng 4Ps benificiaries sa buong BARMM at hindi pa kasali dito ang Cotabato city at ang 63 mga barangay sa North Cotabato na bago lamang napabilang sa rehiyon.
Binigyang diin ni Minister Jajuri na ang mga tatanggap ng benipisyo ay lehitimo at ang mga karapat-dapat na makatanggap nito.
Nagkaroon anya ng massive validation sa listahan ng mga beneficiari nitong mga nakaraang buwan kaya walang naganap na payouts.
Mula taong 2017 hanggang 2018 ang matatanggap na benipisyo ng 4Ps beneficiaries sa gaganaping pay-out activities ayon kay Ministry of social services-BARMM Minister Atty. Raiza Jajurie.
Ang halaga ng matatanggap ng bawat beneficiary ay depende sa bilang ng anak nito.
Sinabi pa ni Minister Jajurie na upang maiwasan na ang mga dati nang reklamo ng mga benepisyaryo na kinakaltasan ng ilang mga opisyales ang kanilang natatanggap na cash assistance ay hiniling nito kay Local Government Minister Atty. Naguib Sinarimbo na ipag-utos sa provincial at municipal local chief executives na huwag makialam sa proseso ng payouts maliban lamang sa pagbibigay ng kakailanganing logistical support.
CCTO PIC