Aminado ang Department of Health (DOH) na ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ang may pinakamababang COVID-19 vaccine coverage sa bansa.
Ayon kay Health Undersecretary Myrna Cabotaje, ito ay dahil sa ilang logistical constraints na nagiging hadlang sa pagpapadala ng mga bakuna sa rehiyon gaya ng irregular flight schedules at problema sa kapayapaan at kaayusan sa rehiyon.
Aniya, ang mga lugar din gaya ng Maguindanao at Lanao del Sur ay walang large-capacity cold storage facilities para pag-imbakan ng bakuna.
“Pag naglagay ka sa Sulu at Tawi-tawi, hindi po regular ang flights. Even within the area, kung may peace and order conflict during that time so kelangan i-secure ‘yung bakuna, may mga brownouts. So we cannot give very large quantities of vaccines. Although we are working with our partners ano pa ba ang puwedeng magawang strategies,” ani Cabotaje.
Ang mga lugar naman na may pinakamataas na COVID-19 vaccine coverage ay ang NCR Plus 8 na kinabibilangan ng Metro Manila, Rizal, Laguna, Cavite, Batangas, Pampanga, Bulacan, Metro Cebu, at Metro Davao.