BARMM-Ministry of Health, naglaan na ng alokasyon para sa maintenance operations ng Rural Health Units sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao

430

Nagbigay ng alokasyon ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARMM-Ministry of Health sa Rural Health Units sa rehiyon na magagamit sa Maintenance and Other Operating Expenses (MOOE) ng Rural Health Units (RHUs).

Sa memorandum order na nilagdaan ni BARMM Minister of Health Dr. Saffrullah Dipatuan, nakasaad dito na 20,000 pesos kada buwan ang inilaan ng kanyang tanggapan para sa operational expenses ng bawat Rural Health Unit sa BARMM.


Ayon kay Minister Dipatuan, mahalagang mabigyan ng pondo ang RHUs dahil sila ang pangunahing naghahatid ng basic health services sa itinuturing na grassroots communities.

Ang RHUs, anila, ang nagpapatupad ng mga programang pangkalusugan kung saan ito inire-report naman nila ang kanilang outputs at pinagsasama sa provincial, regional at national level.

Ang regional at provincial levels ay may sapat namang suportang pondo para sa kanilang operasyon

Ayon pa kay Dr. Dipatuan, makatwiran lamang na bigyan ng kaukulang pondo ang RHUs na kanilang pangtustos sa maintenance ng kanilang operasyon lalo nat sila ay nagbibigay ng outputs na siyang kino-consolidated sa provincial, regional at national level bilang achievements.

Obligado naman ang bawat RHU na mag-liquidate ng nasabing alokasyon base sa accounting and auditing rules and regulations.


Facebook Comments