Umapela ang BBM-Sara UniTeam sa pamahalaan na paigtingin pa ang pagbabakuna sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) at ayudahan ang mga komunidad nito upang matugunan ang pag-aalinlangan sa bakuna ng mga residente.
Ayon sa datos ng National Task Force Against COVID-19, nitong November 14, mayroon nang 324,246 na indibidwal ang ganap nang nabakunahan sa BARMM, katumbas ito ng 7.59 porsiyento ng tinatayang 4.7 milyon ng dapat na mabakunahang populasyon sa rehiyon.
Nabanggit pa sa mga ulat na mataas pa rin ang pagtanggi sa bakuna at pag-aatubili ng mga residente sa rehiyon kahit pa maaaring maospital o mamatay ang isang hindi bakunado sa nasabing sakit.
Facebook Comments