Wala pang naitatalang kaso ng COVID-19 Delta variant sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Mula sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni BARMM Chief Minister Ahod Ebrahim na sa isinasagawa nilang contact tracing maging sa genome sequencing sa buong rehiyon ay wala pang naitatalang COVID-19 Delta variant.
Ayon sa datos, ngayon ay nasa 600 na ang bilang ng total active cases sa BARMM kung saan mataas din ang kanilang recovery rate at nananatiling mababa ang kanilang death toll.
Samantala, pagdating naman sa vaccination roll out, pumapalo na sa 50-60% ang vaccination rate sa nasabing rehiyon.
Facebook Comments