BARMM, nananatiling ligtas  sa COVID-19

Nanatili pa ring ligtas sa Coronavirus disease 2019 o COVID-19 ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Iyan ay kung ang pagbabasehan ang Case of Summary of the COVID-19 Report number 1 ng Ministry of Health (MOH) ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) nitong nakalipas na March 12, 2020.

Bagamat may dalawang kaso ng Persons Under Investigation kung saan naka-confine sa Cotabato Regional Medical Center ang isa sa mga pasyente habang ang isa naman ay sa Amai Pakpak Medical Center, nanatili pa ring COVID-19 Free ang BARMM habang hininintay pa ang resulta sa pagusuri sa mga ito.


Pero matapos madagdagan pa ang bilang ng mga nasawi at pagtaas ng kaso ng mga nagpopositibo sa COVID-19 sa Pilipinas ay itinaas ng kalihim ng Department of Health (DOH) ang alert level sa CODE RED noong March 8, 2020 na nagbunsod para naman magpalabas si Pangulong Rodrigo Duterte noong March 9,2020 ng Proclamation 922 na nagdedeklara ng PUBLIC HEALTH EMERGENCY sa buong bansa.

Dahil dito, agad gumawa ng aksiyon ang MOH-BARMM kung saan nagpalabas si MP and Minister Dr. Saffrullah M. Dipatuan ng advisory sa mismong araw para atasan ang lahat ng MOH facilities kabilang na ang DOH-retained at mga pribadong ospital na nag-ooperate sa loob ng BARMM na sumunod sa panawagan ng pangulo at ng DOH Central Office na tutukan ang pagresponde sa emergency at tiyakin ang kaligtasan ng kanilang mamamayan.

Inirekomenda rin ng Minister of Health ng BARRM kay Chief Minister, Al-Haj Murad AHOD B. Ebrahim na magpalabas ng advisory o memorandum sa lahat ng ministries, offices, agencies at ibang instrumentalities ng gobyerno kabilang na ang Local Government Units at PNP-BARMM na sumunod sa Presidential declaration para magamit ang government resouces, padaliin ang mga proseso at paigtingin ang reporting sa COVID-19.

Inirekomenda rin sa Chief Minister ang pagbuo ng BARMM Inter-agency Task Force on COVID-19 na pamumunuan ng Office of the Executive Secretary bilang Chairman at co-chaired ng Ministry of Health at ng ibang relevant ministries bilang mga miyembro na babalangkas ng mga polisiya para sa coordinated emergency response at mag-formulate ng action plans para protektahan ang mamamayan ng BARMM sa banta ng COVID-19.

Palalakasin din ang mga kasalukuyang aktibidad ng Regional and Epidemiological surveillance unit ng Ministry of Health kasama na ang surveillance sa seaports at at airports, paglalagay ng dagdag na mga tauhan at mabilis na pagpapalabas ng pondo para sa programa.

Palalakasin ang kasalukuyang advocacy at public awareness campaign sa Tri-Media at social media at ang reproduction ng IEC materials na ilalagay sa mga lugar na madaling makita ng publiko.

Pagtutok sa kalinisan sa katawan na siyang pinaka-epektibong paraan para pangalagaan ang ating sarili laban sa iba’t ibang mga karamdaman.

Ang BARMM ay mayroon lamang limitadong kapasidad para magpatupad ng lockdown sa entry at exit points nito at walang sa quarantine at immigration.

Samantala, nakilahok ang karamihan sa mga MOH Regional staff sa medical/surgical/dental mission sa Jolo, Sulu noong March 9, 2020 sa tulong ng TABANG program ng Chief minister at Provincial Health Officer II na nagsabing ang kanilang lalawigan ay COVID-19 Free.

Facebook Comments