Hindi maikokonek sa suicide bombing gaya ng naganap na Jolo Sulu Cathedral suicide bombing na nangyari noong 2019 ang nangyaring pagsabog sa Mindanao State University kahapon.
Ipinaliwanag ni Atty. Naguib Sinarimbo, ang tagapagsalita ng Bangsamoro Autonomous Region and Muslim Mindanao o BARMM na all accounted at natukoy na ang mga nasawi sa pagsabog sa Mindanao State University kaya kumpimardong hindi ito suicide bombing.
Ang nangyari aniya ay sinadyang itinanim at ipinasabog ang bomba sa loob ng MSU habang nagsisimba ang mga kapatid na Kristiyano.
Sa kasalukuyan ayon pa kay Atty. Sinarimbo, apat na ang kumpirmadong patay, pito ang nananatiling ginagamot sa ospital habang 43 ay nagtamo ng minor injuries.
Nagpapatuloy pa rin aniya ang imbestigasyon sa motibo ng pagpapasabog bagama’t may mga impormasyon silang nakukuha na posibleng kagagawan ito ng ISIS.