BARMM parliamentary elections, hindi sigurado kung matutuloy sa susunod na buwan — COMELEC

Hindi na sigurado ngayon kung matutuloy pa sa October 13 ang unang parliamentary elections ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Ito ay kasunod ng ruling ng Korte Suprema na nagpahinto sa implementasyon ng Bangsamoro Autonomy Act No. 77, na naglilipat ng pitong distrito sa rehiyon mula sa lalawigan ng Sulu.

Ayon kay Comelec Chairman George Erwin Garcia, hindi pa kasi malinaw kung ano ang susundin ng poll body partikular kung ang BAA 77 o ang Bangsamoro Autonomy Act No. 58, na nagtatakda lamang ng 73 parliamentary seats at siyang una nang pinaghahandaan ng komisyon para sa halalan.

Dahil dito, hindi pa rin sigurado ang Comelec kung itutuloy ang halalan hangga’t walang pinal na desisyon mula sa Korte Suprema.

Mas kinilala aniya ng Korte Suprema ang pinakahuling batas na nagtatakda ng 80 puwesto sa parliament, taliwas sa kasalukuyang pinaghahandaan ng Comelec.

Una nang sinuspinde ng poll body ang mga paghahanda para sa BARMM elections.

Facebook Comments