
Wala nang idaraos ngayong taon na Parliamentary Elections sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Ito ang inanunsiyo ni Commission on Elections (Comelec) Chairman George Erwin Garcia kasunod ng utos ng Korte Suprema na i-postpone ang halalan na nakatakda sana ngayong October 13.
Ayon kay Garcia, iniurong na ang petsa ng unang BARMM elections sa March 31, 2026.
Pang-ilang beses na ring ipinagpaliban ang BARMM Parliamentary Elections na nakatakda rin sanang isabay sa nagdaang Midterm Elections nitong Mayo.
Bukod sa postponement ng halalan, idineklara rin SC na unconstitutional o labag sa Saligang Batas ang BAA No. 77 at BAA No. 58 na patungkol sa mga distrito ng rehiyon.
Facebook Comments









