Baron Geisler, arestado matapos magwala

Manila, Philippines – Arestado ang actor na si Baron Geisler matapos magwala at manggulo sa isang bar sa Quezon City.
Ayon kay Sr. Supt. Christian Dela Cruz, hepe ng QCPD-station 10, naka-ban na at hindi na pwedeng pumasok si baron sa T.G.I. Fridays na matatagpuan sa Tomas Morato pero nakalusot ito.
Pinabantayan na lamang siya sa mga guwardiya pero nang makainom na ay dito na ito nagwala saka pinagsisira ang mga gamit at pinagbabasag ang mga baso’t bote.
Pero depensa ng aktor, walang katotohanan ang mga paratang sa kaniya at makikita naman daw sa CCTV ang insidente kung saan mas lalo siyang nagalit dahil agad siyang ikinulong nang walang reklamo mula sa complainant.
Desidido naman ang management ng bar na kasuhan ang aktor lalo na’t nagbabanta daw ito na muling babalik at gagantihan ang kanilang mga empleyado.

Facebook Comments