Baron Geisler at nobyang si Jamie Evangelista, ikinasal na

1470
Images from Facebook/Jamie Marie Evangelista

Nagpakasal sa huwes ang aktor na si Baron Geisler at kaniyang nobya na si Jamie Marie Evangelista noong Huwebes, Setyembre 12.

Nangyari ang pag-iisang dibdib ng dalawa sa Quezon City Hall at ikinasal sila ni Judge Arthur Malabaguio.


Ang mga litrato ng taimtim pero masayang seremonyas, ibinahagi ni Evangelista sa kaniyang Facebook noong araw na ‘yun.

Espesyal rin ang wedding ring ng bagong mag-asawa dahil sa mga nakaukit nilang pangalan.

Magugunitang nakilala ni Geisler ang ngayo’y asawa na Psychologist sa isang rehabilitation center sa lungsod ng Cebu kung saan siya nagpapagamot noong 2018.

Facebook Comments

From Advertisers