Baron Geisler, bagsak-kulungan matapos mag-amok!

Sa kulungan ng Angeles City Police Station 3 ang bagsak ng aktor na si Baron Geisler matapos diumanong mag-amok sa harap ng bahay ng kanyang bayaw na si Michael Robinson Morales.
Ayon sa report, nag-amok si baron bandang hapon ng lunes dala ang isang kitchen knife.
Nagbanta raw ang aktor na papatayin si Morales. Sinampahan na ng mga kasong Grave threats, Alarms and Scandals and Violation of B.P. 6 (Illegal Possession of Deadly Weapons) si Geisler.
Matatandaan noong Sabado, March 3, sinabi ni Baron na binugbog umano siya ng kanyang brother-in-law.
Ayon sa kanyang salaysay, “Family Matters” umano ang dahilan ng kanilang gulo.
Si Michael ay asawa ni Grace Geisler na kapatid ni Baron.

Facebook Comments