Baron Geisler, kinumpirmang magpapakasal na

Kinumpirma ng aktor na si Baron Geisler na ikakasal na sila ng kaniyang eight months girlfriend na si Jaimie Marie Evangelista na isang psychologist.

Say ni Baron, tatlong buwan na silang engaged at isinasapinal na nila ang mga detalye sa kanilang kasal.

Mapagpasensya raw sa kanya ang kasintahan at alam nito kung paano siya pakisamahan.


Pagod na raw si Baron sa mga party at laro at nais na niyang magkaroon ng sariling pamilya.

Matatandaang nasangkot sa ilang kontrobersya at gulo si Baron dahil sa pagkalulong nito sa alak.

Naglabas pasok rin ito sa rehab center hanggang nagtayo ng barber shop dahil sa pag-aakalang wala na itong babalikan sa showbiz.

Facebook Comments