Baron Geisler, may pasabog tungkol kay Ping Medina: ‘He raped my ex-girlfriend’

6554
Instagram

Mainit na usapan sa social media ang rebelasyon ni Baron Geisler kung bakit niya inihian ang kapwa aktor na si Ping Medina noong 2016.

Sa Twitter nitong Martes, ibinunyag ng Kapamilya actor na ginahasa umano ni Medina ang dati niyang nobya.


Sinabi niya ito bilang reply sa isang netizen na nagbabala tungkol sa pagiging sexual predator umano ni Medina.

“Be warned: Ping Medina sends unsolicited dick videos potentially nonconsensually leaked ones, verbally abuses girls to have sex with him (aka coercion),” tweet ng user na @juhgnn.

“True. My ex was raped by him and his friend,” sagot dito ni Geisler na sinundan niya pa ng, “Reason y i peed.”

Screenshots from FashionPulis

Ilang netizens din ang nagpakilalang biktima raw at naglabas ng kani-kanilang alegasyon laban kay Medina.




Matatandaang emosyonal na ibinahagi ni Medina sa panayam ng TV Patrol noong Nobyembre 2016 ang pag-ihi sa kanya ni Geisler sa gitna ng shooting ng “Bubog”.

“Talagang binaboy niya ako, binaboy niya yung pagkakaibigan ko sa kanya,” sabi niya noon.

Dahil sa insidente, nagpasya ang direktor na si Arlyn Dela Cruz na tanggalin sa pelikula si Geisler, habang pinapalitan naman ng ibang aktor ang karakter ni Medina.

Wala pang pahayag si Medina sa mga lumutang na alegasyon.

Facebook Comments