Baron Geisler, nag-propose na sa girlfriend

9654
Photos from The Wedding Proposal Facebook

Noon pa man sinabi na ng aktor na si Baron Geisler na pakakasalan niya ang mag-iisang taon niya nang girlfriend na si Jamie Marie Evangelista, isang psychologist.

Aniya noong Abril ngayong taon, pagod na siya sa “laro” at “party” at gusto nang bumuo ng sariling pamilya.


Kamakailan lang, opisyal nang nag-propose si Geisler kay Evangelista sa Maayo San Remigio, Cebu, Linggo, Hulyo 14.

Lumabas ang mga kuhang litrato ng proposal sa Facebook page ng The Wedding Library.

Ayon sa post, hindi inasahan ni Evangelista ang proposal at inakala na simpleng birthday celebration lang iyon.

Kinumpirma naman ito ni Alex Natividad, marketing director ng The Wedding Library, sa panayam ng Cebu Daily News.

Nagkatuluyan si Geisler at Evangelista noong Setyembre 2018.

Nasa Cebu City si Geisler matapos sumailalim sa rehabilitation at kalaunan ay nagbukas na rin ng barbershop doon.

Facebook Comments

From Advertisers