Baron Geisler sa administrasyon ukol sa ABS-CBN franchise renewal: ‘Let go and forgive’

via Defend Job Philippines, RMN Files

Ipinahayag ni Baron Geisler sa administrasyong Duterte na mawawalan ng maraming trabaho ang mga manggagawa sa ABS-CBN kapag hindi na-renew ang franchise nito.

Sa Facebook video ng Defend Job Philippines, ipinabatid ni Geisler ang kaniyang mensahe sa kasalukuyang adminitrasyon.

“Lahat tayo ay umibig, nasaktan, napasaya, napaiyak ng mga shows ng ABS-CBN. Hindi ito magagawa kung hindi dahil sa mga labourers na ito. Ipaglaban po natin ang karapatan nila. Ipaglaban po natin ang buhay nila,” ani Geisler.


Kaugnay ng ad ni Duterte na hindi umano inere noong 2016, sinabi ni Geisler na dapat matutong magpatawad at makalimot na ang administrasyon dahil ‘miscommunication’ lamang ito.

“Let go and forgive and forget. Mga tao ang pinag-uusapan natin dito. Hindi papel, pami-pamilya, ilang libong pamilya, pagkain sa lamesa. Iyan ang kailangan nila. Iyan ang kailangan ng mga Pilipino,” pahayag ni Geisler.

“Kung talagang nagmamalasakit ang gobyerno sa atin at sa mga laborers na ito. Tulungan nito naman kami. Hindi kami nagmamakaawa kasi alam namin na karapatan namin na magserbisyo at magtrabaho at kumita para mapasaya ang mga tao at mga taga-gobyerno,” dagdag niya.

Pinahayag naman ng Palasyo na ang desisyon ng franchise renewal ng ABS-CBN ay nakasalalay sa Kongreso at hindi kay Duterte.

“But ABS-CBN ang expiration next year pa eh, tsaka Congress naman. Nasa Kongreso ang bola niyan, hindi naman kay Presidente,” ani Salvador Panelo.

Mawawalan ng bisa ang franchise ng ABS-CBN sa Marso 30, 2020.

Facebook Comments