Barter trade, legal ayon sa isang kongresista

Pinaalalahanan ni House Committee on Ways and Means Chairman Joey Salceda ang Department of Trade and Industry (DTI) na legal sa ilalim ng batas ang barter trade.

Ang paalala ng kongresista ay kasunod ng pahayag ng DTI na tutugisin ang mga gumagawa ngayon ng modern-day barter trade o palitan ng mga produkto o serbisyo.

Paliwanag ng kongresista, kinikilala ng Civil Code ang barter at ito rin ay sakop ng probisyon sa pagbebenta o kalakalan.


Bukod dito, wala rin aniyang nakasaad sa Executive Order 64 na bawal ang barter trade na gawin sa online at sa ibang rehiyon sa bansa.

Pinapayagan sa ilalim ng barter system ang palitan ng produkto sa produkto at hindi kinakailangang pera ang pambayad.

Iminungkahi pa ni Salceda sa DTI na sa halip na puntiryahin ang mga indibidwal na sangkot sa barter trade, ay bantayan na lamang ang paggalaw ng presyo sa merkado at magbigay ng credit support sa mga negosyo.

Facebook Comments