Umabot na sa P114.9 million ang halaga ng mga baryang nakolekta ng coin deposit machines (CoDMs) ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).
Sa pinakahuling tala ng BSP, aabot sa lagpas 44 million ang mga baryang naideposito sa CoDMs, habang pumalo na sa 42,386 naman ang dami ng mga transaksyon sa mga makina.
Sa kasalukuyan, nasa 25 ang CoDMs ng BSP at ang mga ito ay matatagpuan sa iba’t ibang lugar sa Greater Manila Area.
Nauna nang sinabi ng BSP na target nilang paramihin pa ang mga makina, dahil sa pagtangkilik ng publiko.
Ang mga baryang maidedeposito ay make-credit sa e-wallets tulad ng GCash at Maya, o kaya’y pwede ring maging shopping voucher.
Facebook Comments