Basaan sa Wattah Wattah Festival sa San Juan City, nagsimula na

Kasabay ng pagpapatunog ng sirena ng mga bumbero, umarangkada na ang tradisyunal na basaan sa Wattah Wattah Festival dito sa lungsod ng San Juan.

Sa ngayon, nag-iikot na ang mga truck ng bumbero sa main road ng lungsod para sa “watercade”.

Nakaabang naman ang mga residente ng lungsod na nakikiisa sa basaan, at nagbubuhos ng tubig sa mga motoristang dumaraan.


Gumagamit sila ng host, balde at timba ng tubig at water gun na pambasa.

Bakas sa mukha ng mga lumahok sa aktibidad ang saya na sumasayaw pa sa gitna ng basaan.

Ayon sa kanila, masaya sila dahil matapos ang dalawang taon ay ngayon lang ulit naipagdiwang ang Wattah Wattah.

Batid naman umano nila ang mga bawal ngayong pista, gaya ng sapilitang pagpasok ng mga pampubliko at pribadong sasakyan upang mabasa ng mga pasahero, pagtatapon ng tubig na nakalagay sa materyal na maaring makasakit at ang paggamit ng water bomb at maruming tubig.

Samantala, maliban sa basaan, magkakaroon din mamaya ng street dancing competition kung saan lahat ng 21 barangay ng San Juan ay lalahok.

Facebook Comments