BASAG ANG MUKHA | 15-anyos na dalagita, patay matapos halayin

Cavite City – Patay ang isang 15 anyos na dalagita matapos halayin sa isang sementeryo sa Cavite.

Nakita ang bangkay ng biktimang si Shaynadyn Alejo sa pagitan ng nitso at mosoleyo na nakadapa at walang ng saplot.

Ayon sa Cavite City Police, basag rin ang muka ng biktima ng hampasin ito ng matigas na bagay.


Sa otopsiya ng Cavite police, positibong ginahasa si Alejo dahil may nakita ring mga kagat sa maseselang bahagi ng katawan nito.

Sa follow-up operation ng mga otoridad, nadakip ang 17 anyos na lalaki na umamin rin sa ginawang panggagahasa ngunit iginiit niyang may mga kasama pa siya na gumawa ng krimen.
Dahil sa nangyari, humihingi ng hustisya ang pamilya ng biktima sa pagkamatay ng dalagita.

Facebook Comments