BASAG | Kotse ng isang talent handler, napag-diskitahan

Quezon City – Pinaghahanap na ng mga pulis ang mga suspek na miyembro ng “basag-kotse” na nambiktima ng isang talent handler sa Barangay Valencia, Quezon City.
Sa imbestigasyon, kumain lamang ang biktima na si Joel Mendoza sa isang restaurant at laking gulat niya nang makitang basag na ang bintana sa driver’s side ng kanilang kotse.
Nakuha ng mga kawatan ang dalawang bag na may lamang cellphone at tablet na nagkakahalaga ng 60,000 pesos.
Nangako naman ang pulisya na aaksiyunan ang insidente pero payo nila na hangga’t maaari, ay huwag mag-iwan ng gamit lalo na ang bag dahil siguradong pagdi-diskitahan ito ng masasamang loob.

Facebook Comments