Basag kotse umatake sa Quezon City, 5 na sasakyan magkakasunod na biniktima

Quezon City – Umabot sa 5 sasakyan ang magkakasunod na ninakawan ng basag kotse sa Timog Ave. Quezon City.

Karamihan sa mga biktima ay kumakain ng maganap ang pag nanakaw sa mag kakalapit na iskenita sa nasabing lugar.

Ayon kay SPO1 Wilmore Bataanon, base sa kuha ng CCTV camera posibleng unang ninakawan ang isang ford ranger sa Sct Tobias kanto ng Sct Ojeda alas 8:45kagabi.


Nakuha sa loob ng nasabing kotse ang mga mamahaling gamit na aabot sa halos 300k piso kabilang ang relo na nag kakahalaga ng 180k.

Kung pag sasamasamahin, sa 5 sasakyan higit sa kalahating milyong piso ng cash at gamit ang nakuha ng mga suspek.

Positibo naman ang mga pulis na mahuhuli ang salarin dahil may nakuhang finger print ng posibleng nasa likod ng pagnanakaw.

Facebook Comments