Basag na itlog, maaaring pasukan ng bacteria – DOH

Nagbabala ang Department of Health (DOH) sa publiko laban sa pagbili ng mga basag na itlog.

Ayon kay DOH Spokesperson, Undersecretary Eric Domingo – ang mga itlog na may crack, maliit man o malaki ay maaaring pasukan ng bacteria na nagreresulta ng food poisoning.

Dagdag pa ni Domingo – kahit naluto na ang itlog at namatay na ang mga mikrobyo, mananatili ang toxin na posibleng iniwan nito na talagang dahilan ng food poisoning.


Matatandaang hindi bababa sa 200 bisita sa birthday party ni dating unang ginang Imelda Marcos ang na-ospital dahil sa food poisoning.

Facebook Comments