BASANG BALOTA | PET, pinagpapaliwanag ang mga municipal treasurers ng apat na bayan sa Camarines Sur

Manila, Philippines – Ipinag-utos na ng Presidential Electoral Tribunal (PET) ang lahat ng municipal treasurers sa apat na bayan sa Camarines Sur na ipaliwanag ang mga nadiskubreng sira at basang balota, election returns at voter’s receipts.

Ito ay kasabay ng manual recount at revision ng mga boto sa vice presidential election protest.

Ayon sa PET, binibigyan nila ng 10 araw ang mga municipal treasurers na ipaliwanag ang mga nabasa at nasirang election materials.


Binanggit sa PET notice ang 11 incident reports hinggil dito.

Ang apektadong balota ay natagpuan sa mga ballot boxes na na-retrieve mula sa bayan ng Bato, Sagñay, Garchitorena at Ocampo.

Dahil hindi na mababasa ang mga damages o wet ballots, inatasan ang mga revisors na ibase ang recount sa mga decrypted ballot images.

Facebook Comments