Baseco Beach sa Maynila, hinarangan na para hindi languyan ng mga residente

Naglagay na ng harang ang mga awtoridad sa Baseco Beach sa Tondo, Maynila.

Ito ay upang maiwasan na ang pagdagsa ng mga gustong maglangoy sa dagat.

Ipinagbabawal pa rin kasi ang pagtatampisaw rito lalo na’t marumi pa rin ang tubig dagat na maaaring pagmulan pa ng sakit.

Inaasahan kasing ngayong Holy Week ay marami ang dadagsa sa Baseco Beach dahil na rin sa init ng panahon.

Noong nakalipas na holiday noong nakaraang linggo, maraming residente ang naligo sa nasabing bahagi ng Manila Bay.

Nauna nang nagpaalala ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa publiko na hindi pa rin ligtas na maligo rito dahil sa mataas na fecal coliform level.

Facebook Comments