Basehan ng mataas na singil sa kuryente ngayong Mayo, ipinaliwanag ng MERALCO

Binigyang linaw ng Manila Electric Company (MERALCO) kung bakit mataas ang electric bill na natanggap ng mga konsumer nito para sa buwan ng Mayo.

Ito’y kasunod ng pagdagsa ng reklamo mula sa kanilang mga konsumer gayung hindi sila nakapagsagawa ng meter reading dahil sa umiiral na Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Ayon kay Meralco Spokesperson Joe Zaldarriaga, ang konsumo sa Mayo ay batay sa “full ECQ impact” kumpara sa natanggap nilang bill para sa buwan ng Marso at Abril na nasa “average consumption” lamang.


Aniya, ibinabase ang konsumo sa nakalipas na tatlong buwan.

Para sa mas detalyadong paliwanag hinggil sa mataas na bayarin, hinikayat ng Meralco ang mga konsyumer nito na bisitahin ang kanilang official Facebook page.

Facebook Comments