Manila, Philippines – Kinukuwestyon ngayon ng PNP kung ano ang naging basehan ng US State Dept. para mapasama sa top 5 ang Pilipinas na pinangyayarihan ng terorismo sa buong mundo.
Ayon kay PNP Spokesperson Chief Supt Dionardo Carlos kung sila ang tatanungin nabawasan pa nga raw ang krimen sa bansa at bumaba ang supply ng iligal na droga.
Ito ay dahil sa walang tigil na kampanya kontra droga at law enforcement operation ng PNP.
Tanong pa ni Carlos ano raw ang dahilan ng US State Department para ipalabas at magsagawa ng pagaaral kaugnay dito lalot hindi naman maganda ang epekto nito sa mga Pilipino.
Facebook Comments