Manila, Philippines – Muling binatikos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang
International Criminal Court (ICC).
Ito ay kaugnay ng preliminary examination ng ICC sa ‘War on Drugs’ ng
pamahalaan hinggil sa reklamong crimes against humanity.
Sa oath taking ceremony ng Mayor Rodrigo Roa Duterte National Executive
Coordinating Committee (MRRD-NECC), sinabi ng Pangulo na walang basehan ang
imbestigasyon ng ICC laban sa kanya.
Umaasa rin ang pangulo na matatapos ang problema sa mga rebeldeng grupo sa
susunod na taon.
Kaya pupunta aniya siya ng Mindanao para harapin ang mga sumukong miyembro
ng New People’s Army.
Facebook Comments