Manila, Philippines – Hiniling ni Bohol Rep. Arthur Yap sa Sandiganbayan 6th Division na ibasura ang kinakaharap nitong dalawang counts ng kasong katiwalian.
Ang asunto ay nag-ugat sa pag-apruba ng Philrice Board of Trustees ng car loan para sa mga empleyado nito noong 2009 at pagpasok sa hold out agreement sa Philippine National Bank para para sa car loan.
Si Yap noon ang Chairman ng Board of Trustees ng Philrice bilang siya rin Agriculture Secretary noon.
Sa inihaing motion to quash ni Yap, iginiit nito na walang basehan ang kaso sa kanya dahil absent siya sa pulong ng Philrice Board ng pag-usapan ang kinukwestyong kasunduan sa PNB.
Ginamit ding basehan ni Yap sa pagpapabasura ng kanyang kaso ang delay sa takbo ng reklamo laban sa kanya sa Office of the Ombudsman bago ito naiakyat sa Sandiganbayan.
Department of Tourism, pinaalalahanan ang publiko sa mga modus ngayong panahon ng bakasyon.