BASELINE CENSUS SINIMULAN NA SA DAGUPAN CITY

SINIMULAN na ng lokal na pamahalaan ng Dagupan City ang pagsasagawa ng baseline census na siyang gagamitin nito para sa local planning.

Layon nito na makakuha ng credible and comprehensive baseline data sa lungsod.

Mahalaga umano ito upang magkaroon ng sapat na impormasyon ang city government sa kanyang nasasakupan upang malaman ano nga ba ang mga pangangailangan ng mga Dagupeño.


Una ng isinagawa ito sa barangay Lucao na siyang pilot barangay na pinangunahan ng City Population Office.

Matatandaan na noong nakaraang buwan nagkaroon na ng orientation sa iba’t-ibang department heads para sa pagsasagawa ng survey.

Facebook Comments