Sa halip na “standardized”, isusulong ng Department of Trade and Industry (DTI) na magkaroon ng “baseline” guide recipes para sa ilang tradisyunal na Pinoy dishes gaya ng adobo.
Ayon kay DTI Secretary Ramon Lopez, sa ilalim ng baseline recipe ay malaya ang mga tao sa kung ano ang gawin nila.
Hindi nila aniya pakikialaman ang estilo o paraan ng kanilang pagluluto.
Iginiit ni Lopez na ang baseline traditional recipe ay magsisilbing gabay, hindi ito mandatory.
Ang hakbang ng DTI na magtatag ng technical committee para sa baseline traditional recipe para sa Filipino dishes ay layong isulong ang creative exports bilang bahagi ng recovery efforts mula sa pandemya.
Paraan nila ito para i-promote ang mga pagkaing Pinoy abroad.
Facebook Comments