CAUAYAN CITY – Naglunsad ng apat (4) na araw na pagsasanay tungkol sa basic monitoring at evaluation ang DA Regional Field Office 2 na nagsimula kahapon, ika-27 hanggang ika-30 ng Agosto sa Go Hotels Plus, Tuguegarao City, Cagayan.
Dinaluhan ito ng mga DRRM personnel ng ahensya, maging kinatawan mula sa DA Central Office, Regional Offices, NIA, BFAR, Bureau of Soils and Water Management (BSMW), at iba pang ahensya.
Sa naganap na pagsasanay, binigyang-diin ni Dr. Roberto Busania, DA Region 2 Regional Technical Director for Operations and Extension, ang kahalagahan ng monitoring and evaluation framework para sa mabisang pagbabawas ng epekto ng mga kalamidad lalo na sa sektor ng agrikultura.
Layunin ng aktibidad na magkaroon ng sapat na kaalaman ang mga kalahok para masiguro na handa ang mga ito sa panahon ng sakuna at kalamidad.