BASILAN BOMBING | DILG, tiniyak ang pagtukoy sa utak ng pambobomba sa Basilan

Tiniyak ni DILG OIC Secretary Eduardo Año na matutukoy ang mga taong nasa likod ng pambobomba sa Lamitan Basilan kamakailan.

Nangako si Año na mabibigyan ng hustisya ang pagkamatay ng ilang personalidad kabilang ang tatlong sibilyan at maibalik ang kaayusan at kapayapaan sa buong lalawigan.

Sa ngayon hinihintay na lamang ng DILG ang resulta ng imbestigasyon at matukoy kung anong uri ng bomba ang ginamit, gayundin ang pagkakakilanlan ng drayber, at iba pang detalye na makatutulong upang malaman ang motibo sa pambobomba.


Pinakilos na rin ni Año ang lahat ng units ng Philippine National Police (PNP) sa Zamboanga, Basilan, Sulu, at Tawi-Tawi para mas maging mapagmatyag at mapaigting ang pagbabantay sa mga checkpoint matapos ang naganap na pambobomba.

Pinasalamatan din nito ang iba’t-ibang stakeholders lalo na ang mga pamahalaang lokal sa kanilang kooperasyon sa DILG at PNP.

Una nang nagpaabot ng pakikiramay ang DILG chief sa mga pamilya ng nasawi ng pagbobomba.

Facebook Comments