“Basket of solutions,” kailangan para maresolba ang problema ng trapiko

Iginiit ng Department of Transportation (DOTR) na kailangan ng “basket of solutions” para malutas ang problema ng trapiko sa Metro Manila.

Ayon kay DOTR Sec. Arthur Tugade, walang isang solusyon o patakaran ang makakalutas sa lumalalang trapiko.

Pero siniguro ng kalihim na nakalatag na ang mga pangmatagalang solusyon ng gobyerno hinggil dito.


Kabilang na dito ang pagsasa-ayos at pagdaragdag ng mga linya ng tren.

Bukas ang DOTR sa anumang suhestyon na makakatulong sa pagresolba ng trapiko.

Facebook Comments