Basketball Hall of Fame induction ngayon taon, tuluyan ng kinansela

Tuluyan ng kinansela ngayong taon ang induction ng Basketball Hall of Fame dahil sa Coronavirus pandemic.

Ayon kay Hall of Fame President John Doleva, mas minabuting ilipat na lamang ang petsa nito sa May 13 hanggang 15 ng susunod na taon.

Una nang plano na gawin ito sa Oktubre 2020 sa Mohegan Sun sa Connecticut, USA.


Sa nasabing ceremony, manunumpa sana ang pumanaw na si Los Angeles Lakers Star Kobe Bryant kasama sina dating San Antonio Spurs star Tim Duncan, Boston Celtics star Kevin Garnett, Women NBA star Tamika Catchings at two-time NBA Champion Coch Rudy Tomjanovich.

Facebook Comments