Bukas nang muli ang basketball ring sa gym ng Brgy. Tuliao, Sta. Barbara matapos umanong hindi malaman kung sino at bakit ito ipasara dahilan upang hindi mapakinabangan ng mga residente.
Ang naturang palaruan ay napapakinabangan ng mga residente partikular tuwing weekends kung kailan walang klase sa paaralan.
Hindi umano malinaw kung kanino nanggaling ang direktiba na isara ang basketball ring kaya umapela ang ilang residente.
Base naman sa anunsyo ng Sangguniang Kabataan sa barangay, bukas na itong muli para sa mga nais magpapawis o mag-ehersisyo sa kondisyon na linisan ang lugar maging ang mga palikuran pagkatapos gamitin.
Ipinagbabawal din ang paninigarilyo, vape, pagtatapon ng basura at pag-uumpisa ng kaguluhan o away.
Hinimok ng grupo ang publiko sa responsableng paggamit ng pasilidad para sa ikakaangat ng kakayahan ng mga manlalaro sa larangan ng isports.









